A Travellerspoint blog

Para sa aking mga kapatid...

Long Live!!!

Aaargghhh….

Sobrang sama nang pakiramdam ko ngayong raw na to…. Sipon …Ubo… Lagnat…. Sakit nang katawan…

‘ta inang panahon kasi to… pabago-bago. Uulan…aaraw…babaha…matutuyo…
Pero pag may iniinda akong sakit nang katawan (o kahit damdamin..) isang payo lang ang lagi kong naaalala….

“Ngayong brad ka na…at tapos mo na lahat nang pag-subok at nalampasan mo na ang lahat nang kagaguhang kaya naming ibato sayo… iba ka na… mas malakas kesa sa dati. Wala nang “sakit” na kaya pang bumuwag nang dibdib mo. Once a Kappan, always a Kappan….”

Di ko na maalala kung sinong brad dang nagsabi sa akin nun… o kung bakit nya sinabi yun. Alam ko lang na nasabi nya yun sa akin pagkatapos nang “initiation” namin.

Oo, Fratman ako… and I’m damn proud of it!

Parang Marines… the few and the proud.

Over the years nakita ko kung pano mag-evolve ang mga tao … mga kaibigan… kamag-anak… mga brods… pero iisa lang yata ang di nagbago… ang Frat. Sa paglipas nang panahon nagiiba ang kilos at direksyon nang mga kasapi sa isang frat…minsan may isang tao ang nagtanong sa akin, “patay na ba ang ‘Tofco sa UST ha!?!” natatawa na lang ako… di ko na lang sinagot ang tanong n’ya… a dumb question deserves a dumb answer…
Napakadaling pumatay nang isang hayop…. Madali ring kumitil nang buhay nang isang tao… pero hindi mo kayang pumatay nang isang frat nang ganun-ganun lang. Kagaya nang sinabi ko kanina, pwedeng magbago ang mga miyembro nang frat… umiba nang diskarte, kumpara sa mga senyores nila. Pwedeng mag lie-low mula sa sirkulasyon at sa ingay nang mundo. Umiwas sa “lime-light” at mabuhay nang tahimik ngunit manatiling matatag.

Pero di ibig sabihin ay “patay” na ang frat..

Mga bagong officer… bagong rules … mga neophytes.. at bagong paddle. Pero di naman sila ang frat… at ang frat ay di sila…. May sariling dugo at buhay ang frat, kaya nitong mabuhay kahit wala nang residente nang ilang taon. Kahit nakalimutan na nang mga dyaryo o nang mg tao sa paligid ang pangalan nang isang frat… di ibig sabihin ay patay na ito. Imortal ang frat hanggat may mga miyembro ito na patuloy na nagmamahal sa kanya. Patuloy na inaalala ang nakaugalian at mga alituntunin nito. Hanggat may isang miyembro na patuloy na hinahanap ang mga “ka-batch” nya na matagal nang di nagpapramdam… hanggat may isang fratman na di papayag na may mas magaling sa frat nya… hinding-hindi mamamatay ang isang frat.

Sabi nga sa signature nang isang brad ko, KAPPAtiran at di barkadahan… ito ang dahilan kung bakit malakas pa rin ang aming grupo. Ito ang dahilan kung bakit buhay pa rin ang Kappa Kappa, ang Tau Mu Epsilon at ang Sigma Beta. Ito ang dahilan kung bakit kilala pa rin ang Fratofco sa UST. Sa patuloy na pag-agos nang panahon, maaring makalimutan nang ibang tao ang aking pangalan sampu nang iba ko pang brods, … pero walang sino man ang kayang bumura at kumalimot sa pangalan nang aming grupo. Ang mga pangalang ito ay habang-buhay nang naka-ukit at patuloy pang gagawa nang kasaysayan sa pahina nang buhay.

Posted by AlphaMale 1:00 AM

Email this entryFacebookStumbleUponRedditDel.icio.usIloho

Table of Contents

Comments

Sir,matanong lang kung active pa ngaung schoolyear 2008-09 ang fratofco sa UST faculty of engineering?may mga bgong member po ba kau na kabatch ko?batch2007-2008 po kasi ako.Kung di po ako nagkakamali alumnus po kau ng UST eng'g,at ngttrabaho na po kau siguro di ba?La naman po kasi kaung iniwang bkas sa eng'g.Curius po kasi ako.

11.12.2008 by godsmoke

Well said brod.

13.12.2008 by corcolon

curiosity is an itchiness that needs scratch that may lead into a wound!

15.01.2009 by corcolon

Godsmoke - OO active pa rin naman ang 'Tofco sa UST pero di na ganung kaingay kagaya nang dati. 2007-2008 ka ba pumasok nang UST o nuon ka grumaduate?

Corcolon - Salamat brod! Nagulat ako na may makakakita pa lang brod sa blog kong ito. Kita - kits na lang tayo sa mga susunod pang meeting. Long live FRATOFCO!

22.01.2009 by AlphaMale

tama yun brod, KAPPAtiran hinda barkadahan. Inggit ako sa tau mu at sa sigma may website sila sana tau rin. Mabuhay ang FRATOFCO!!!!

12.02.2009 by gabs92a

MGA BROD UPDATE NYO NAMAN WEBSITE RE UPCOMING EVENTS.

12.02.2009 by gabs92a

GABS, it seems you are not updated of the current events. Please coordinate with your batch mates thru phone and don't post messages here.

ALPHAMALE, corcolon has landed. tentative date of contact is 18Feb. I will be calling you soon!!!

13.02.2009 by corcolon

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint