Para sa aking mga kapatid...
Long Live!!!
24.07.2008
Aaargghhh….
Sobrang sama nang pakiramdam ko ngayong raw na to…. Sipon …Ubo… Lagnat…. Sakit nang katawan…
‘ta inang panahon kasi to… pabago-bago. Uulan…aaraw…babaha…matutuyo…
Pero pag may iniinda akong sakit nang katawan (o kahit damdamin..) isang payo lang ang lagi kong naaalala….
“Ngayong brad ka na…at tapos mo na lahat nang pag-subok at nalampasan mo na ang lahat nang kagaguhang kaya naming ibato sayo… iba ka na… mas malakas kesa sa dati. Wala nang “sakit” na kaya pang bumuwag nang dibdib mo. Once a Kappan, always a Kappan….”
Di ko na maalala kung sinong brad dang nagsabi sa akin nun… o kung bakit nya sinabi yun. Alam ko lang na nasabi nya yun sa akin pagkatapos nang “initiation” namin.
Oo, Fratman ako… and I’m damn proud of it!
Parang Marines… the few and the proud.
Over the years nakita ko kung pano mag-evolve ang mga tao … mga kaibigan… kamag-anak… mga brods… pero iisa lang yata ang di nagbago… ang Frat. Sa paglipas nang panahon nagiiba ang kilos at direksyon nang mga kasapi sa isang frat…minsan may isang tao ang nagtanong sa akin, “patay na ba ang ‘Tofco sa UST ha!?!” natatawa na lang ako… di ko na lang sinagot ang tanong n’ya… a dumb question deserves a dumb answer…
Napakadaling pumatay nang isang hayop…. Madali ring kumitil nang buhay nang isang tao… pero hindi mo kayang pumatay nang isang frat nang ganun-ganun lang. Kagaya nang sinabi ko kanina, pwedeng magbago ang mga miyembro nang frat… umiba nang diskarte, kumpara sa mga senyores nila. Pwedeng mag lie-low mula sa sirkulasyon at sa ingay nang mundo. Umiwas sa “lime-light” at mabuhay nang tahimik ngunit manatiling matatag.
Pero di ibig sabihin ay “patay” na ang frat..
Mga bagong officer… bagong rules … mga neophytes.. at bagong paddle. Pero di naman sila ang frat… at ang frat ay di sila…. May sariling dugo at buhay ang frat, kaya nitong mabuhay kahit wala nang residente nang ilang taon. Kahit nakalimutan na nang mga dyaryo o nang mg tao sa paligid ang pangalan nang isang frat… di ibig sabihin ay patay na ito. Imortal ang frat hanggat may mga miyembro ito na patuloy na nagmamahal sa kanya. Patuloy na inaalala ang nakaugalian at mga alituntunin nito. Hanggat may isang miyembro na patuloy na hinahanap ang mga “ka-batch” nya na matagal nang di nagpapramdam… hanggat may isang fratman na di papayag na may mas magaling sa frat nya… hinding-hindi mamamatay ang isang frat.
Sabi nga sa signature nang isang brad ko, KAPPAtiran at di barkadahan… ito ang dahilan kung bakit malakas pa rin ang aming grupo. Ito ang dahilan kung bakit buhay pa rin ang Kappa Kappa, ang Tau Mu Epsilon at ang Sigma Beta. Ito ang dahilan kung bakit kilala pa rin ang Fratofco sa UST. Sa patuloy na pag-agos nang panahon, maaring makalimutan nang ibang tao ang aking pangalan sampu nang iba ko pang brods, … pero walang sino man ang kayang bumura at kumalimot sa pangalan nang aming grupo. Ang mga pangalang ito ay habang-buhay nang naka-ukit at patuloy pang gagawa nang kasaysayan sa pahina nang buhay.
Posted by AlphaMale 1:00 AM Comments (7)

